Saturday, September 21, 2013

Poem About Society

TATSULOK



Pantay-pantay ba mga tao sa daigdig? 
kung ang iba ay umuusig
nais lamang nila ay ang manaig
kahit sama-sama pa tayo magkapit-bisig.

Ngunit hindi dapat tayo sumuko
kahit sa tingin nila tayo'y nakayuko
sapagkat ika'y may pakinabang
wag lang kalimutan turo ng magulang.

Sino nga ba sa'tin ang mapalad
kung mga sala'y malalahad
sa harap ng poong Maykapal
mga mahihirap ba o mga mukhang makakapal.

Mahirap man o mayaman tayo'y iisa lamang
pagkat nilikha tayo ng pantay-pantay
pagmamahalan at pagkakaisa'y 
 ating kailangan sa mapayapang buhay. 

No comments:

Post a Comment