Saturday, October 19, 2013

Batang Amnesia


Isang araw, may isang batang palaboy na lalaki na naglalakad sa kalye. Naghahanap siya ng makakin dahil gutom na gutom na siya. Pumunta siya sa isang karinderya para humingi ng kahit anong makakain ngunit tinaboy siya ng may-ari nito dahil sa siya ay isang palaboy. Ayaw kasi niya ang mga batang kalye. Umalis nalang ang bata dala ang lungkot sa kanyang mukha. Habang naglalakad siya ay may nakita siyang bakery na nagwawalis ang may-ari sa tapat nito. Nagmamadaling pumunta ang bata roon at nagmamakaawang humingi siya ng pagkain sa may-ari. Dahil sa katigasan ng puso ng may-ari ay ayaw mamimgay. Marami naman siyang paninda ngunit hindi siya mamigay dahil walang dalang pera ang bata. Walang magawa ang bata kaya umalis nalang ito. Naglalakad na naman siya hanggang umabot sa punto na nahimatay na siya dahil sa gutom.

May isang matandang babae ang nakakita nito at tinulungan kaagad ito. Dinala siya sa kanilang bahay. Pinakain siya, pinaligo, at inayusan. Masaya ang bata dahil nakakain na siya. Agad nagpapasalamat ang bata sa matandang babae at niyakap niya ito. Dahil sa tuwa na nkita ng babae sa mukha ng bata ay nagpasya siya na sa bahay na nila titira ang bata. Nang makalipas ang ilang araw ay may dalawang tao na parang may hinahanap. Nakita sila ng matandang babae at lumapit sila sa kanya. Nagtanong sila kung mayroon ba siyang nakita na batang lalaki na nagpalaboy-laboy sa kanilang lugar. Pinakita rin nila ang litrato ng lalaki sa kanya. Nang makita niya ito ay agad niyang nakilala ito. Sinabi agad niya kung saan ang bata ngaun. Kaya pumunta sila sa bahay ng matanda at nakita nila ang bata. Nang makita ng bata ang mga bisita, biglang sumakit ang ulo nito. At biglang may naaalala siya, ang kanyang nakaraan. Siya pala ay galing sa mayamang pamilya. May amnesia at tumakas siya sa ospital. Nang maalala niya lahat ay biglang niya ang dalawang tao. Yun pala ay ang kanyang magulang. Laking tuwa ng magulang na nkita nila muli ang kanilang anak. Humingi rin ng patawad ang bata sa kanila dahil sa nagawa niya. Nagpasalamat din ang magulang sa matandang babae sa pag-aalaga niya sa kanilang anak. Bilang kapalit ay tutulungan siya ng pamilya sa kanyang mga pangangailangan. Masayang-masaya ang bata dahil buo na ang pamilya at naaalala na niya ang lahat.